ISANG VIDEO NG PAMBUBULLY SA ISANG ESTUDYANTE, VIRAL SA SOCIAL MEDIA
Trending ngayon sa social media ang isang video na
nagpapakita ng pambubully ng ilang estudyante sa isa ring mag-aaral.
Sa video na ibinahagi sa Facebook ng page na ‘Michael
Alfredo Faminial – Triathlete’, makikita na makailang beses na sinampal at
pinagmumura ng isang estudyante ang kapwa niya estudyante na tila suportado pa
ng kanyang mga kaibigan.
Isa pa ang nagbabala na hindi pa tapos ang paghihiganti ng
grupo sa batang binubully at sinabing kakaladkarin pa ito kinabukasan.
Ang naturang video ay mayroon nang higit 4.4 million views
sa Facebook, 200,000 shares at halos 80,000 reactions.
Dahil sa pagkalat ng video sa social media ay nagpalabas ng
opisyal na pahayag ang paaralang kinabibilangan ng mga estudyante na
napag-alamang ‘Sacred Heart College’ sa Lucena City.
Naayos na ayon sa school sa pamamagitan ng dayalogo ang
naturang bullying incident noon pang nakaraang taon.
Iginiit ng paaralan na napilitan lamang silang muling buksan
ang kaso matapos magreklamo ang mga magulang ng batang biktima.
Naniniwala umano ang Sacred Heart College sa due process at
nanindigang ibibigay sa mga responsableng panig ang karapatang idepensa ang
kanilang mga interes.
Ipinahayag din ng paaralan na hindi nila kinukunsinte ang
bullying at labag ito sa katuruan at moralidad ng institusyon.
Comments
Post a Comment